Buhay #1

By Emanuel Swedenborg

Study this Passage

  
/ 114  
  

1. Ang Relihiyon Ay Tungkol Sa Kung Paano Tayo Namumuhay, At Ang Relihiyong Pamamaraan Ng Pamumuhay Ay Ang Paggawa Ng Mabuti.

Bawa’t isang may relihiyon ay nalalaman at kinikilala na ang mga taong nilalandas ang isang mabuting buhay ay ligtas at ang mga taong nilalandas ang masamang buhay ay napapahamak. Nalalaman nila at kinikilala na kung nilalandas natin ang mabuting buhay ay iniisip natin ang mga mabuting bagay hindi lamang tungkol sa Diyos kundi pati na sa ating kapuwa, na kabaligtaran kung ang nilalandas natin ay ang masamang buhay.

Kung ano ang ating iniibig ay yaon ang kinapapalooban ng ating buhay, at anumang ating iniibig ay hindi lamang natin ito ginagawa ng malaya kundi iniisip din ng malaya. Kaya’t sinasabi natin na ang buhay ay ang paggawa ng mga mabuting bagay sapagka’t ang paggawa ng mabuti ay hindi maihihiwalay sa pagiisip ng mga mabuting bagay. Kung ang paggawa at ang pagiisip ng mga mabuting bagay ay hindi magkaagapay sa atin, kung magkakagayon ay hindi sila bahagi ng ating buhay. Magkagayunman ang mga ito ay kailangang maipaliwanag sa pamamagitan ng mga sumusunod.

  
/ 114