3. Sinomang may relihiyon ay nalalaman at kinikilala na yaong mga taong nilalandas ang mabuting buhay ay ligtas at yaong mga nilalandas ang isang masamang buhay ay mapapahamak. Nalalaman nila ito sapagka’t ang langit ay nakapisan sa mga taong nakakaalam mula sa Salita na mayroong isang Diyos, na mayroong langit at impiyerno, na mayroong buhay pagkatapos mamatay. Ito [koneksiyon sa langit] ay humahantong sa malawakang pagkadama.
Dahil dito ang pahayag ng pananampalataya ayon sa Athanasian [Athanasian Creed] tungkol sa Trinidad [Trinity] na tinatanggap ng Kristiyanismo sa mundo, ay tinatanggap kahit saan ang sinasaad nito sa bandang dulo, gaya ng,
Si Jesucristo, na nagpakasakit para sa ating kaligtasan, umakyat sa langit, umupo sa may kanang kamay ng Makapangyarihang Ama. Mula roon ay paririto siya upang hatulan ang buhay at ang patay; yaong mga gumawa ng mabuti ay sa walang hanggang buhay at yaong mga gumawa ng masama ay sa walang hanggang apoy.


